Sa edad na 70, pumanaw na ang retiradong police general na si Romeo Maganto dahil sa karamdaman.

Nitong Martes, kinumpirma ng kaniyang pamilya na sumakabilang-buhay si Maganto noong Sabado, June 16 dahil sa multiple organ failure.

Nakalagak ang mga labi ni Maganto sa kaniyang tahanan sa Bustos, Bulacan, at nakatakdang ilipat sa St. Peter Memorial Chapel sa Cubao, Quezon City sa Martes, ayon kay Arnel Tolentino, information officer ng lokal na pamahalaan ng Bustos.

Nagsilbi si Maganto sa Philippine National Police sa loob ng 31 isang taon bago siya nagretiro noong 2004. Nakatanggap siya ng 45 medalya na kinabibilangan ng Presidential Medals and Medals of Bravery.

Naisapelikula rin ang kaniyang buhay tulad ng "Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto" at "Tomagan, Story of Gen. Romeo Maganto."

Bilang dating traffic czar, si Maganto ang may-akda ng color coding traffic scheme noong 1995. — FRJ, GMA News