Pumanaw na ang batikang aktor na si Ramon "Chinggoy" Alonzo matapos ang pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing binawian ng buhay ang aktor noong Linggo ng gabi.

Nakalagak ang mga labi ni Alonzo sa Garden of Divine Word Christ the King sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Si Alonzo ay isang beteranong aktor sa teatro, pelikula at telebisyon.

Napanood din siya sa ilang teledrama sa Kapuso network at gumanap siya bilang "Evades" sa telefantasyang "Encantadia" noong 2006.

Huli siyang napanood sa GMA sa teledramang "Hahamakin Ang Lahat" noong nakaraang taon. -- FRJ, GMA News