Inihatid na sa kaniyang huling hantungan nitong Martes ng hapon ang premyadong direktor na si Soxie Topacio.

Sa huling gabi ng kaniyang burol, sinariwa ng mga kaibigan sa industriya ang mga alaala ng yumaong direktor, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras."

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang alaala ang mga kapwa direktor na sina Gina Alajar at Joel Lamangan.

Pumanaw nitong nakaraang Biyernes si direk Soxie dahil sa sakit na lung cancer sa edad na 65.

Nakilala si direk Soxie sa mga proyekto niya sa telebisyon, pelikula at teatro. -- FRJ, GMA News